[SC] Sa Puso't Diwa
Mahal kong Mani,
Kumusta ka na? Sana ikaw ay nasa mabuting kalagayan. Ngayon ay buwan ng Agosto kung kalian ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika sa Pilipinas. Ito rin ang dahilan kung bakit nakikipagusap ako saiyo sa wikang Tagalog.
Ang wika ang isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng isang kultura dahil isa ito sa mga bagay na nag papakita kung saan ka nangaling. Minsan nga sumagi sa aking isipan paano nga kaya ang mga tao, mula pagkabata ay madali nilang natutunan ang kanilang katutubong pananalita bagama’t ang isang bata ay hindi pa pumapasok sa eskuwelahan.
Ayun sa aking mga nabasa, ito daw ay nagsisimula sa sinapupunan kung saan naririnig na daw ng isang bata ang mga boses ng kanyang ama at ina. Hindi ko man alam ang eksaktong sagot sa tanung na ito, ito pa rin ay kamangha-mangha para sa akin.
Ang ating pambansang wika ay Filipino o Tagalog dahil ito ang wika na naiintindihan ng nakararami. Marami pang ibang wika o dialekto na ginagamit katulad ng Bisaya, Ilocano, Kapampangan, at iba pa. Sa aking palagay, ang Tagalog ay nanggaling sa maraming hiram na salita mula sa mga Hapon, Instik, Kastila, at sa mga Indones at Malay na ating direktang ninuno ayun sa kasaysayan.
Base sa aking pagtatrabaho sa bansang Malaysia, marami akong natutunan na salitang Bahasa. Nalaman ko na marami tayong ginagamit na parehong mga salita. Kung minsan, may kaunting kaibahan lang sa pagbaybay o pagbigkas.
Mani, gusto kong maintindihan mo ang kahalagan ng iyong wika dahil bukod pa sa aking mga nalathala kanina, ito ay isang importanteng parte ng iyong katauhan—tumira ka man sa ibang bansa ng mahabang panahon at matuto ka man ng iba pang banyagang wika.
Sabi nga ng ating pambasang bayani na si Gat. Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”
Nagmamahal,
Supremong Tagapag-utos
0 comments
Note: Only a member of this blog may post a comment.